dzme1530.ph

WANTED NA PASAHERONG KARARATING LANG SA NAIA MULA HANOI VIETNAM ARESTADO SA NAIA  

Loading

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Police Aviation Security Group ang isang babaeng pasahero pagdating nito sa Mactan-Cebu International Airport mula Hanoi, Vietnam.
 
Nag-ugat ang pag-aresto sa 35-year-old na pasahero matapos maharang ng Bureau of Immigration sa verification screening procedure, kung saan natuklasan ang umiiral na warrant of arrest laban sa pasahero.
 
Ang pag-aresto ay ginawa sa Terminal 2 alinsunod sa isang warrant na inilabas ng Regional Trial Court sa Davao City para sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, na may inirekomendang piyansa na ₱48,000.
 
Ang naarestong akusado ay kasalukuyang itinurn-over sa Police Station 5 ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) para sa kaukulang disposisyon.

About The Author