dzme1530.ph

VP Sara, humiling ng dasal para sa ika-80 kaarawan ng ama

Loading

Humiling ng dasal si Vice Presidente Sara Duterte para sa mahabang buhay at paglaya ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng ika-80 kaarawan ngayong Biyernes.

Kasabay nito ay ang pasasalamat ng Bise Presidente sa mga Pilipino sa Pilipinas, sa Netherlands, at sa iba pang panig ng mundo na nagtipon-tipon para ipagdiwang ang birthday ng dating pangulo.

Sinabi ni VP Sara na malaking bagay para sa kanyang ama ang pagtitipon ng kanilang mga tagasuporta para sa kaarawan nito at upang ipanawagan na makauwi na ang dating lider.

Idinagdag pa ng Bise Presidente na gumagaan ang hamon na kinakaharap ngayon ng kanyang ama sa International Criminal Court dahil alam nitong nasa likod niya ang mga Pilipinong sumusuporta sa kanya.

About The Author