dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, DADALO SA SINGAPORE F1 GRAND PRIX 2026

Loading

Kinumpirma ng Malacañang na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Formula One race sa Singapore.
 
Sa press briefing sa Singapore ngayong Biyernes, inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dadalo na sinabi ng Pangulo na dadalo ito dahil mas mainam na magkaroon ng face-to-face meetings sa mga kahalintulad na event.
 
Idinagdag ni Castro na nauna nang ibinahagi ni Marcos na minsan sa ganitong event niya nakita former Singaporean Prime Minister Lee Kuan Yew at ilang mga negosyante, kung saan nakikita ang body language ng bawat isa.
 
Magsisimula ang Formula One Singapore Grand Prix ngayong Biyernes habang ang main race ay itinakda sa Oct. 11.
 
Una nang inihayag ni Ambassador Medardo Macaraig na inimbitahan ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong si Pangulong Marcos at hindi nito kailangang magbayad ng ticket.

About The Author