dzme1530.ph

VP Sara Duterte, inaasahan na ang rekomendasyon ng NBI na sampahan siya ng mga kaso

Loading

Hindi na nasorpresa si Vice President Sara Duterte sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan siya ng mga kaso.

Kanina ay inirekomenda ni NBI Dir. Jaime Santiago sa Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng inciting to sedition at grave threats laban sa Bise Presidente.

Kaugnay ito sa ibinunyag ni VP Sara sa press briefing noong Nov. 2024, na may inutusan siyang tao para paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez, kapag siya ay pinatay.

“As expected” ang tugon ni Duterte nang kunin ng mga mamamahayag ang kanyang reaksyon sa rekomendasyon ng NBI.

Matatandaang hindi sumipot si VP Sara nang i-subpoena ito ng NBI, at sa halip ay nagpadala lamang ito ng affidavit sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

About The Author