dzme1530.ph

VP SARA DUTERTE AT MAYOR LENI ROBREDO, NANGUNA SA WR NUMERO 2028 PRESIDENTIAL SURVEY

Loading

Nanguna sina Vice President Sara Duterte at Naga City Mayor Leni Robredo sa presidential survey ng public opinion pollster na WR Numero na inilabas ngayong Biyernes.
 
Batay sa survey, nananatili si Duterte bilang frontrunner para sa 2028 presidential elections sa kabila ng gains ng iba pang mga kandidato.
 
Ayon sa WR Numero, sa head-to-head situations, halos majority ng mga Pilipino ang iboboto si VP Sara laban sa sinumang potensyal na kandidato, kung saan isa sa bawat apat na Pinoy ang bukas na mabago ang kanilang future votes sa pagkapangulo.
 
Nakakuha si Duterte ng 39.4 percent na suporta habang si Robredo ay may 29.09 percent.
 
Nasa ikatlong puwesto si Sen. Raffy Tulfo, 14.2%; sumunod sina Sen. Bong Go, 3.6%; Sen. Bam Aquino, 2.7%; at Sen. Risa Hontiveros, 2.1%.
 
Labimpitong percent ng respondents ang nagsabi na hindi pa sila sigurado kung sino ang kanilang ibobotong presidente.
 
Isinagawa ang survey na nilahukan ng 1,432 adult respondents noong June 9 hanggang 16, ilang linggo bago nagsimula ang impeachment trial ni VP Sara.

About The Author