![]()
Pitong lugar sa Pangasinan, Palawan at Mindanao ang inaasahang makararanas ng danger level na heat index ngayong Biyernes, November 27.
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Coron at Puerto Princesa sa Palawan at sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte.
Aabutin naman ng 42 degrees Celsius ang heat index sa Butuan City; Cuyo, Palawan; Dagupan City; at Zamboanga City.
Sa Metro Manila, posibleng umabot sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Pasay at Quezon City.
Muling pinapayuhan ang publiko na limitahan ang outdoor activities lalo mula 10 AM hanggang 3 PM upang makaiwas sa posibleng heat exhaustion.
