dzme1530.ph

Viral poster ng “Wow Bulaga” na umano’y papalit sa “Eat Bulaga”, peke! – Abunda

Sinabi ng King of Talk na si Boy Abunda, hindi totoo ang kumalat na poster, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa GMA-7.

Una nang lumabas ang poster ng “Wow Bulaga” kung saan makikita ang litrato ni Willie Revillame, kasama sina Bretman Rock, Allan K., Wally at Jose, at Miguel Tanfelix.

Gayunman, inamin ni Abunda na mayroong pinagdadaanan ngayon ang “Eat Bulaga!”

Pinayuhan din nito ang publiko na maghintay ng official statement mula sa show at sa network upang malaman ang buong kuwento at ang katotohanan.

About The Author