dzme1530.ph

US Jetliner, nag emergency landing sa Cuba bunsod ng bird strike

Isang US Jetliner na nag take-off mula sa Cuba ang nakaranas ng engine trouble makaraang sumalpok sa pulutong ng mga ibon at bumalik sa Havana para mag-emergency landing.

Tumagos ang usok sa cabin ng eroplano at sa kabutihang palad ay wala namang nasaktan sa mga pasahero ng Southwest Airlines flight 3923 na patungong Fort Lauderdale, Florida.

Ayon sa Southwest Airlines, ang Boeing 737 ay may lulang 147 mga pasahero at anim na crew.

Ligtas na naibalik ng piloto sa Havana ang eroplano at pinababa ang mga pasahero sa pamamagitan ng slides bunsod ng usok sa cabin, at inilipat sila sa ibang flight.

About The Author