dzme1530.ph

Vina Morales at ex-boyfriend na si Cedric Lee, nagkaayos na

Nagkaayos na si Vina Morales at nakaalitang dating boyfriend na si Cedric Lee.

Sinabi ni Vina na bigla na lang dumating ang panahon na pareho na sila ni Cedric na nagsawa sa pakikipag-away sa isa’t isa.

Ayon sa singer-actress, in God’s Time ay nagkaayos din sila at sa ngayon ay very civil sa isa’t isa para sa kanilang 13-year-old daugther na si Ceana.

2016 nang ireklamo ni Vina si Cedric sa San Juan Prosecutor’s Office kaugnay ng sapilitang pagtangay umano ng dating boyfriend sa kanilang anak na pitong taong gulang pa lamang noon, sa loob ng siyam na araw nang walang pahintulot mula sa aktres.

Makalipas ang ilang araw ay si Cedric naman ang naghain ng five counts ng libel laban kay Vina sa Office of the Provincial Prosecutor sa Cabanatuan City, sa Nueva Ecija.

About The Author