![]()
Hindi kasama sa mga inirekomenda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa value-added tax (VAT) sa fuel products.
Ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano na kailangan ng legislation para sa VAT, at ang naisabatas lamang aniya ay ang pagsuspinde o pagbabawas sa fuel excise tax.
Inihayag ng Pangulo noong Lunes na “petroleum market” lamang ang matutulungan kapag inalis ang VAT sa petrolyo.
Sa bahagi naman ni Energy Secretary Sharon Garin, binigyang-diin nito na nasa 170 billion pesos kada taon ang tinatayang mawawalang kita sa sandaling tanggalin ang VAT sa fuel products.
