![]()
Nagkakasakit na ang ilang residente sa Obando, Bulacan at hindi pa makabalik sa kanilang tahanan matapos umabot sa kanilang lugar ang usok mula sa nasusunog pa ring Navotas Sanitary Landfill.
Biyernes nagsimula ang sunog sa naturang tambakan ng basura.
Sa pagbisita sa lugar, inamin ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na hindi madaling apulahin ang apoy at nais lang nilang tiyakin na hindi na ito muling sisiklab.
Paliwanag ng alkalde, nagliliyab pa rin ang ilalim nito kaya kailangang takpan ng lupa at buhangin para walang oxygen na papasok at hindi magtuloy-tuloy ang apoy.
Mahigit tatlong daang residente sa Barangay Salambao ang nananatili sa evacuation centers matapos umabot sa kanilang mga bahay ang usok mula sa landfill.
