![]()
Namigay ng libreng gasolina si Kyline Alcantara sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, bilang pag-alala sa kanyang lolo na jeepney driver noon sa Bicol.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan at videos ng pagbibigay niya ng gasolina sa mga driver sa isang gasoline station.
Sa kanyang post, sinabi ni Kyline na lumaki siyang namamasada ng jeepney ang namulatang trabaho ng kanyang Papa Ben, at takbuhan ito ng mga nangangailangan sa kanilang barangay sa Bicol.
Naisip ng Kapuso actress na ano kaya ang mararamdaman ng kanyang lolo kung makikita at mararanasan nito ang fuel crisis ngayon.
Napili ni Kyline na tulungan ang unang apektado sa pagtaas ng presyo ng langis, gaya ng mga driver ng jeepney, tricycle, transport network vehicle service (TNVS), at food at delivery riders.
Hinikayat din ni Kyline ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho na tumulong din kahit sa maliit na paraan upang maitaid ng mga higit na nangangailangan ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
