dzme1530.ph

Usec. Castro, binanatan ni Sen. dela Rosa sa pahayag na hindi makabubuti ang pagtatago ng senador

Loading

Binatikos ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si Presidential Communications Office Usec. Claire Castro sa pahayag na bilang dati siyang lider ng PNP ay dapat na sumusunod siya sa batas.

Una nang sinabi ni Castro na hindi makabubuti ang plano ni dela Rosa na magtago at huwag sumuko sa sandaling maisyuhan na siya ng warrant of arrest ng International Criminal Court.

Pinagsabihan pa ni dela Rosa si Castro na tila santo sa pagsasabing hindi makabubuti ang pagtakas niya kasabay ng tanong kung nakabubuti ba sa bansa ang ginawang pag-aresto sa dating Pangulo.

Samantala, aminado si dela Rosa na hindi na makukuwestyon ang validity ng arrest warrant dahil naisuko na ang dating Pangulo sa ICC.

Ang tanging inaalmahan aniya niya ay ang implementasyon ng arrest order sa dating lider ng bansa na tila hindi dumaan sa tamang proseso.

About The Author