dzme1530.ph

US President Joe Biden, humiling ng $128-M budget para sa EDCA sites

Humiling si US President Joe Biden ng $128 million na budget sa US Congress, para sa mga proyekto sa Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Washington DC USA, inihayag ni US Defense Sec. Lloyd Austin na gagamitin ang pondo sa pagsasakatuparan ng 36 na EDCA projects.

Ito umano ay kaakibat ng pagpapalakas ng alyansa at kooperasyon sa depensa ng dalawang bansa.

Kasabay nito’y ipina-alala ni Austin na higit sa pagiging kaalyado ay itinuturing ng America ang Pilipinas bilang pamilya, at palagi silang magbibigay ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.

Ang EDCA ang kasunduang nagpapahintulot sa mga sundalong amerikano na pumasok at magtatag ng pansamantalang facilities sa mga piling kampo ng militar ng Pilipinas.

About The Author