![]()
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na mag-convene sa isang special session sa kabila ng sine die adjournment para maaksyunan ang priority legislation.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, nagpatawag ang Pangulo ng special session sa Kongreso sa Miyerkules, upang agad maikonsidera ang pagpasa sa priority legislative measures.
Ilan sa mga ito ay ang National Center for Geriatric Health; Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Act; Amendments to the Masustansyang Pagkain para sa Batang Pinoy Act; at Anti-Political Dynasty Law.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang pangangailangan ng mga Pilipino ay hindi humihinto kapag walang sesyon ang Kongreso.
Aniya, dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang pagtugon at manatiling pangunahing prayoridad ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Nagpatawag din ng special session si Marcos upang ma-convene ang Commission on Appointments at aksyunan ang appointments sa gabinete, militar, at foreign service.
