![]()
Tumaas nang bahagya ang unemployment rate habang bumaba ang underemployment rate ng bansa noong Hunyo.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umakyat sa 4.9 percent ang unemployment rate noong Hunyo kumpara sa 4.8 percent noong Mayo at 3.7 percent noong June 2025.
Nangangahulugan ito na 2.59 million Filipino workers ang walang trabaho noong buwan ng Hunyo.
Naitala naman sa 12.1 percent ang underemployment rate noong June na mababa kumpara sa 12.2 percent noong Mayo.
Katumbas ito ng 6.11 million workers na underemployed o mga manggagawa na bagama’t may trabaho na ay nangangailangan pa ng extra jobs noong June.
