dzme1530.ph

PAGBASURA NG KORTE SUPREMA SA MGA PETISYON LABAN SA PAGDINIG SA KAMARA MAITUTURING NA PAGKILALA SA CONSTITUTIONAL PROCESS NG IMPEACHMENT

Loading

Nanindigan si House Prosecution Team Lead Prosecutor at Congw. Gerville Luistro na ang pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon na kumukuwestyon sa naging pagdinig ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte ay pagkilala sa constitutional process ng impeachment.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Luistro na umaasa siyang matatapos na ang lahat ng usapin sa legalidad ng kanilang mga naging pagdinig.
 
Aminado si Luistro na nakahinga na siya nang maluwag matapos ang desisyon ng Korte Suprema dahil wala nang hadlang sa impeachment trial sa Senado.
 
Mapapatunayan din aniya nito sa impeachment court na naging maingat ang Kamara sa naging proseso ng impeachment.

About The Author