dzme1530.ph

Trump, naghain ng not guilty plea

Naghain ng not guilty plea si dating US President Donald Trump sa 34 felony counts ng pamemeke ng kaniyang business records sa Manhattan Court.

Nagsimula ang imbestigasyon sa nasabing kaso sa umano’y $130,000 hush money na ibinayad ni Trump sa porn star na si Stormy Daniels noong 2015 Presidential Campaign.

Ayon kay Trump, ginawa niya ang pamemekeng ito para sa promosyon ng kanyang kandidatura.

Ngunit binigyang diin ni Manhattan District Attorney Alvin Bragg na bukod pa kay Daniels, may ibang tao rin siyang binayaran para manahimik at hindi masira noong 2016 Elections. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author