dzme1530.ph

TRABAHO party-list, nakiisa sa pagpapakawala ng halos 100 turtle hatchlings sa Dipolog

Loading

Aabot sa 99 Olive Ridley sea turtle hatchlings ang pinakawalan sa dagat ng Dipolog Boulevard sa Dipolog City.

Ang pagpapalabas ng hatchlings ay pinangasiwaan nina Mayor Darel Dexter Uy at OIC-City ENR Officer Atty. Gratian Tidor kaisa ang TRABAHO party-list.

Maliban sa mga personnel ng City Environment and Natural Resources Office, ang pagpapalabas ng mga sea turtle hatchling ay sinaksihan din ng mga lokal mula sa Dipolog upang ang aktibidad ay magsilbing aral sa kahalagahan ng partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng balanseng marine ecosystem.

Ipinaabot naman ni TRABAHO party-list nominee Atty. Johanne Bautista ang pasasalamat nito sa punong lungsod ng Dipolog sa pag-imbita at pagtanggap sa kanilang partido.

Kamakailan, lalo pang tumaas ng 10 pwesto ang Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS February 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations.

About The Author