dzme1530.ph

TESTIMONYA NI MAYOR BASTE DUTERTE, GAGAMITIN NG PROSECUTION PANEL PARA PAGTIBAYIN ANG KASO NG UNEXPLAINED WEALTH NI VP SARA

Loading

Gagamitin ng prosecution panel ang magiging testimonya ni Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte para lalong patibayin ang kaso sa unexplained wealth.

Ayon kay House impeachment adviser at spokesperson Robert Ace Barbers, malinaw sa records ng PhilGEPS na may 15 secured contracts ang Gencorp Industries Inc. sa Davao City gov’t na ang kabuuang kontrata ay P34,216,900.

Dahil sa ang Gencorp ay kasama sa idineklara ni VP Sara sa kanyang 2024 at 2025 SALN bilang stockholder, malinaw na may constitutional violation at conflict of interest sa transaksyon nito sa city gov’t.

Si Mayor Baste Duterte ay hiniling na ng prosekusyon sa Impeachment Court na i-subpoena para sa susunod na linggo.

Paliwanag pa ni Barbers, mahalaga ang magiging testimonya ng alkalde dahil ang lahat ng ina-award ng Pamahalaang panglungsod sa mga merchant o supplier ay may basbas ng mayor o Head of Procuring Entity.

About The Author