![]()
Idineklara ng Malacañang bilang special non-working days ang November 16 hanggang 18, 2026 sa National Capital Region (NCR) kaugnay sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit and related summits.
Batay sa Proclamation No. 1447, sinabi ni Acting Executive Secretary Ralph Recto na layunin ng hakbang na mabawasan ang pagsisikip sa trapiko at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok sa gagawing mga pagpupulong.
Magsisilbi itong long weekend dahil ang mga nabanggit na petsa ay pumapatak sa mga araw ng Lunes, Martes, at Miyerkules.
