dzme1530.ph

Termino ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., extended hanggang Marso 2024

Pinalawig ng apat na buwan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Ang termino ni PNP chief police general Benjamin Acorda Jr..

Ito ay matapos magdiwang si Acorda ng kanyang ika-limampu’t anim na kaarawan kahapon, na itong mandatory retirement age sa PNP.

Sa liham ng Pangulo Kay Acorda, sinabing extended Ang termino ng PNP chief hanggang sa Marso a trenta’y uno, 2024.

Sinabi ni Marcos na binigyan ng extension si Acorda dahil matagumpay Naman nitong napamunuan Ang pambansang pulisya.

Sa ilalim ng executive order no. 136 series of 1999, may kapangyarihan Ang Pangulo na i-extend Ang SERBISYO ng Presidential appointees kahit lagpas na sa Sila sa compulsory retirement age, batay sa exemplary meritorious reasons o kung Ang kaukulang opisyal ay nagpakita ng magandang performance sa tungkulin. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author