dzme1530.ph

Temporary Off-Site Passport Services sa Olongapo, isasara ng DFA sa Nov. 28

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagsasara ng Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa Olongapo City sa Nobyembre 28, 2024.

Kaugnay nito pinapayuhan ng DFA ang lahat ng apektadong aplikante ng TOPS na bisitahin ang DFA Consular Office (CO) sa Olongapo City o sa DFA-CO sa San Fernando Pampanga, upang magpatuloy sa kani-kanilang Passport Application simula Dec. 9, 2024.

Matatagpuan ang mga lokasyong ito sa DFA CO Olongapo – 3rd Flr., SM City Olongapo, Rizal Avenue Barangay East Tapinac, Olongapo City, at DFA CO Pampanga – 2nd Flr., Lingkod Pinoy Center, Robinsons Starmills, City of San Fernando, sa Pampanga.

Para sa mga katanungan, maAaring makipag-ugnayan sa TOPS Olongapo sa pamamagitan ng CO Pampanga sa [email protected]—ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author