dzme1530.ph

TAX REFORM NI PBBM, INILAHALINTULAD BILANG SALARY INCREASE SA MIDDLE INCOME WORKERS

Loading

Inihalintulad ni Marikina City 2nd District Rep. Miro Quimbo ang tax reform ni Pangulong Marcos Jr. bilang salary increase sa middle-income workers.
 
Ayon sa chairman ng House Committee on Ways and Means, sa paglaki ng threshold para maging tax-free ang kumikita ng P350,000 annually, may karagdagang take-home pay ang middle-income workers nang hindi nagagambala ang employers.
 
Sa kasalukuyang tax regime, P250,000 ang tax-free o iyong mga kumikita ng P21,000 kada buwan.
 
Sa pagtaya ni Quimbo, papalo sa P50 billion ang mawawalang revenue ng pamahalaan sa mungkahing itaas sa P350,000 ang gross annual income na tax-free.
 
Naniniwala ang mambabatas na maibabalik din sa ibang paraan ang foregone revenue dahil madaragdagan ang buwanang budget ng bawat kawani.

About The Author