![]()
Tatlong tropical depressions at isang low pressure area ang minomonitor ngayon ng PAGASA.
Kabilang na rito ang Tropical Depression Pilandok na napanatili ang lakas habang halos hindi gumagalaw.
Huling namataan ang Tropical Depression Pilandok 1,160 kilometers east ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 kilometers per hour.
Patuloy namang binabantayan ang isang Tropical Depression na una nang tinawag na LPA 081 na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility at halos hindi rin gumagalaw.
Namataan ito 545 kilometers west-northwest ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 55 kilometers per hour.
Minomonitor din ang Tropical Depression Saudel na unang tinawag na Obet at nasa labas na ng PAR.
Huli itong namataan 1,215 kilometers west of extreme northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 75 kilometers per hour.
Tumatahak ito pa-timog sa bilis na 10 kilometers per hour.
Samantala, isa pang LPA ang namataan 3,035 kilometers east ng Eastern Visayas at may katamtamang tsansa na maging Tropical Depression sa susunod na 24 oras.
