![]()
Humina ang piso laban sa dolyar sa ikatlong trading day kahapon, kung saan lumagpas ito sa ₱63 per dollar level, na panibagong record low.
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱63.06 per dollar, mas mababa ng 19 centavos kumpara sa ₱62.87 per dollar noong Miyerkules.
Ito na ang ika-dalawampu’t pitong record low ngayong taon, at binasag nito ang dating record na ₱62.90 per dollar noong October 8.
