dzme1530.ph

Target na gross gaming revenue ng PAGCOR, tiwalang maaabot

Kumpiyansa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na makakamit nila ang target na P244.84 bilyon gross gaming revenues ngayong taon.

Ayon kay PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, umakayat ng 33.13% o katumbas ng P60.934-B ang kanilang target kumpara noong 2022 na P183.906-B ang inilaang target.

Ani Tengco, sumigla ang gaming industry noong nakaraang taon bunsod ng pagluluwag ng restrictions para sa mga local at foreign tourists kung kaya tumaas din ang kanilang target collection.

About The Author