dzme1530.ph

Bilang ng nasawi mula sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan, pumalo na sa 10

Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga bangkay na na-retrieve mula sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan, kagabi.

Sa pinaka-huling datos mula sa Basilan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, 189 survivors ang pansamantalang nananatili sa Zamboanga Port, 54 ang nasa Camp Navarro General Hospital sa Westmincom

May 6 survivors naman ang dinala sa Zamboanga City Medical Center habang 67 ang nasa bayan ng Basilan.

Apat sa 10 kumpirmadong patay ay mula sa Zamboanga City samantalang ang 6 Naman ay mula sa Basilan.

Hindi pa batid ang dahilan kung bakit nasunog ang naturang barko na sa huling ulat ng DZME news ay naitabi na sa pantalan.

Samantala, patuloy pa ang search, rescue and retrieval operations sa Baluk-Baluk Island kung saan naganap ang trahedya.

About The Author