Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang M6.2 na lindol sa Papua New Guinea —PHIVOLCS
 ![]()
Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na paglindol sa Papua New Guinea. Sa advisory ng PHIVOLCS kaninang alas-5:12 ng umaga, walang nakitang tsunami threat base sa kanilang datos. Nabatid na niyanig ang Papua New Guinea ng Magnitude 6.2 na lindol kaninang alas-4:57 ng madaling araw, at may lalim na 79 kilometers.
								