DPWH chief, makikipagpulong sa AMLC; assets ng mga personalidad na iniimbestigahan sa flood control, planong i-freeze
Inanunsyo ni Public Works Sec.Vince Dizon na makikipagpulong siya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Lunes. Ito ay para talakayin ang posibleng hakbang para sa pag-freeze at pagbawi ng assets ng mga personalidad na nahaharap sa corruption complaints na nag-ugat sa kwestyonableng flood control projects. Binigyang-diin ng kalihim na kailangang maibalik ang pera ng taumbayan. […]