dzme1530.ph

Taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na bukas

Asahan ang panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bukas, Marso 7 matapos ang rollback na ipinatupad noong nakaraang linggo.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp., nasa 40 sentimo ang dagdag-singil sa kada litro ng gasolina, 1.50 sentimo sa diesel at 1.25 sentimo sa kerosene.

Nakatakda namang ipatupad ng mga nasabing kumpanya ang taas-presyo alas-6:00 ng umaga bukas habang wala pang ini-aanunsyo ang ibang oil firms kaugnay rito.

About The Author