dzme1530.ph

SONA 2024: Talumpati ni Pangulong Marcos Jr., isinasapinal na

Isinasapinal na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang talumpati para sa Ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang mga aktibidad ang Pangulo ngayong araw upang bigyang-daan ang paghahanda nito para sa SONA.

Una nang inamin ng Pangulo na mahihirapan siyang pagkasyahin sa loob ng isang oras ang lahat ng kanyang iuulat sa Lunes.

Sinabi ni Marcos na sa SONA ngayong taon ay kanyang babanggitin ang estado ng mga pilipino, ekonomiya, at kriminalidad sa bansa.

About The Author