dzme1530.ph

KARAGDAGANG 60 OFW MULA SA SAUDI, NAKAUWI NA SA BANSA

Loading

Karagdagang anim na pu (60) pang Overseas Filipino Workers ang dumating sa bansa bilang bahagi ng repatriation program ng Department of Migrant Workers and Overseas Workers Welfare Administration.

Kabuuang 365 OFWs na ang napauwi sa bansa sa ilalim ng programa.

Ang pinakahuling batch ng mga OFW ay dumating nitong Linggo ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Qatar Airways Flight QR928.

Sa impormasyon, ibiniyahe ang mga OFW mula Riyadh patungong Al Qassim bago lumipad pauwi ng Pilipinas.

Pagdating sa airport, agad binigyan ng assistance ng OWWA ang mga OFW, kabilang ang transportation, temporary accommodation, at tulong sa domestic flights.

About The Author