dzme1530.ph

Sinasabing Private army ni Quiboloy, alisan ng armas —Sen. Risa

Pinasalamatan ni Sen. Risa Hontiveros si PNP chief Rommel Marbil sa pagtugon sa panawagang kanselahin ang lisensya ng mga baril ni Pastor Apollo Quiboloy.

Kasabay nito, pinatitiyak ng senadora sa PNP na walang mga armas ang maiwan sa mga miyembro ni Quiboloy dahil dapat anyang mabuwag na ang private army ng Pastor na todo-balandra  ng kanilang mga baril sa social media.

Umaasa rin ang mambabatas na maaresto na si Quiboloy sa lalong madaling panahon dahil patuloy nitong pinaglalaruan ang mga institusyon ng gobyerno.

Pinuna ni Hontiveros ang pagpapalabas pa ni Quiboloy ng audio recording kung saan nagbigay pa siya ng bugtong tungkol sa kanyang lokasyon.

Matapos anyang pagdiskitahan ang Senado bilang institusyon, ngayon naman, ang kapulisan ang iniinsulto ng pastor na hindi na anya dapat payagan.

 

About The Author