dzme1530.ph

Pinaiksing operating hour sa Tacloban Airport ipapatupad ng CAAP simula May 2

Pansamantalang ipapatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang maigsing operating hour ng Tacloban Airport.

Ayon sa CAAP ang operating hours adjustment ng Paliparan ay upang bigyan daan ang structural repairs sa mga pasilidad nito mula Mayo 2 na tatagal hanggang August 2, 2024.

Paglilinaw ng CAAP mag-ooperate pa rin ang Tacloban Airport mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon.

Dahil dito maapektuhan ang mga biyahe ng airline companies at maaring mabawasan ang mga flight mula Tacloban patungong Maynila (vice versa).

Humingi naman ng paumanhin ang CAAP sa publiko dahil sa inaasahan inconvenience o abalang maidudulot nito.

About The Author