dzme1530.ph

South Korea, nanatiling top source market ng tourist arrivals ng bansa

Inihayag ng Department of Tourism na nangunguna ang South Koreans sa pagiging source market pagdating sa inbound visitors ng bansa.

Base sa datos na inilabas ng Department of Tourism kung saan pumalo na sa mahigit dalawang milyon ang tourist arrivals sa bansa, o 27.19% sa mga ito o mahigit kalahating milyon ay pawang mga taga South Korea.

Sinundan ito ng United States na may 15.71% o mahigit 300,000 tourist arrivals, sinundan ng China na may 6.49% o katumbas ng halos 150,000 tourist arrivals.

Sumunod dito ang Japan, Australia, Canada, Taiwan, UK, Singapore at Germany na bumubuo sa Top 10 countries na bumisita sa bansa.

Kumpiyansa naman si Tourism Secretary Christina Frasco na mapapanitili nila ang targets sa industriya ng turismo hindi lang sa mga arrivals kundi maging sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

 

 

About The Author