dzme1530.ph

SHOPPING MALLS, PAPAYAGAN NANG MAGBUKAS SIMULA ALAS-NUEVE NG UMAGA SIMULA NGAYONG ARAW.

Papayagan na ang mga Shopping Mall na magbukas ng mas maaga simula ngayong araw, sa harap ng inaasahang pagdagsa ng last minute shoppers, dalawang araw bago ang Pasko.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula ngayong December 23, maaari nang magbukas ang mga mall nang alas-nuwebe ng umaga, na katulad ng normal nilang operating hours.

Mababatid na dahil sa inaasahang pagbigat ng trapiko habang papalapit ang holiday season, ipinatupad ang adjusted mall hours kung saan mula alas-nuwebe ay iniurong sa alas-onse ng umaga ang pagbubukas ng mga Mall.

Sinabi naman ni MMDA Acting Chairman Romando Artes na naobserbahan ang magaang daloy ng trapiko sa kabila ng iba’t ibang aktibidad para sa Christmas Season.

About The Author