![]()
Naglabas ang PAGASA ng El Niño alert, ngayong Miyerkules.
Batay sa climate models, sinabi ng mga eksperto na 79% ang tsansa na magparamdam ang El Niño sa Hunyo hanggang Agosto at posibleng umiral hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Sinabi ni PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando na kapag may El Niño, mataas ang posibilidad na magkaroon ng “drier-than-usual condition” na maaaring magdulot ng negatibong epekto gaya ng drought at dry spells sa ilang bahagi ng bansa.
Idinagdag ni Servando na ang inilabas nilang alerto ay magbibigay ng panahon sa mga lokal na pamahalaan para maghanda sa posibleng epekto ng tagtuyot.
