![]()
INALMAHAN ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang alegasyon ng isang abogado na tiyak na ang pagboto niya ng conviction kay Vice President Sara Duterte sa sandaling umakyat na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Una rito, sinabi ni Atty. Salvador Panelo na tiyak na boboto ng conviction kay VP Sara sina Sotto, Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senador Risa Hontiveros at Senador Kiko Pangilinan
Tanong ni Sotto kung may bolang kristal si Panelo.
Binigyang-diin ng senate leader na magiging impartial o patas ang Senado at magdedesisyon batay sa mga ebidensyang ihaharap sa kanila.
Kinuwestyon na rin ni Lacson ang pahayag ni Panelo at ang tanong niya ay kung manghuhula ba ang abogado dahil nagmamarumnong pa sa mga senador.
