![]()
Sa e-wallet na ipapadaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga susunod na round ng cash aid distribution.
Kasunod ito ng pagkamatay ng isang rider matapos atakihin sa puso habang nakapila para sa financial assistance sa Quezon City.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na planong gamitin ng ahensya ang umiiral na e-wallet accounts ng TNVS at motorcycle taxi drivers upang mapabilis ang payouts at maiwasan ang mahahabang pila.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na ginawa ng mano-mano ang initial distribution upang ma-verify ang mga pangalan ng legitimate drivers na isinumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
