dzme1530.ph

EDSA REHABILITATION, TULOY NGAYONG WEEKEND SA KABILA NG UNDAS

Loading

Nakatakdang magpatuloy ang second phase ng EDSA Rehabilitation Project sa kabila ng Undas season simula ngayong araw, Oct. 30 hanggang Nov. 2.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), magsasagawa ng reblocking works sa southbound lane, partikular mula sa tapat ng NEPA Q-Mart Bus Station, paglampas ng EDSA Kamuning Flyover hanggang Guadalupe.

Sinabi ng DPWH na magkakaroon ng pansamantalang lane closures, simula mamayang alas diyes ng gabi, sa mga apektadong lugar habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni.

Mananatili namang bukas ang mga natitirang linya para sa mga motorista.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na mag-ingat, tumalima sa traffic management measures, at gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasang maabala sa biyahe.

Muling bubuksan ang mga apektadong lanes sa Lunes ng alas singko ng umaga.

About The Author