Kinumpirma ni Senate President Francis Chiz Escudero na hanggang ngayon ay wala pa silang legal team na makatutuwang sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Escudero na tumanggi ang unang team na kanilang kinausap dahil hindi sila maaaring humawak ng highly politically charged cases.
Inamin ng senate leader na kasabay sa konsiderasyon nila sa pagkuha ng legal team ang kanilang pagbabayad dahil public funds ito at depende rin sa magkano ang maaari nilang maialok.
Pinipili rin anya nila ang mga abogadong kukunin dahil kakatawan sila sa Senado sa anumang legal proceedings na may kaugnayan sa impeachment trial.
Sa ngayon, ang Solicitor General anya ang magsisilbing representante ng Senado sa mga legal proceedings kasama na ang pagsagot sa mga petisyon sa Korte Suprema.