dzme1530.ph

Sen. Marcos, ‘boycot’ sa campaign rally sa Tacloban dahil sa pagdakip kay dating Pangulong Duterte

Loading

Hindi ko matanggap ang ginawa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Sen. Imee Marcos kasabay ng kanyang pahayag na hindi siya dadalo sa campaign rally dito sa Tacloban City, Leyte na pangungunahan ng kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez at ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa kanyang Facebook post, humingi ng paumanhin ang senadora sa mga kababayan niya sa Tacloban na hindi siya makakasama sa aktibidad.

Sinabi pa ng mambabatas na pinag-aaralan pa niya ang sitwasyon upang maliwanagan ang taumbayan at makabuo ng solusyon kaugnay sa tinawag niyang pagtangay sa dating Pangulo.

Samantala, tiwala si Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco na muling ibibigay ng mga residente ng Leyte sa buong senatorial line up ni Pangulong Marcos.

Kung ang Ilocos Region ang balwarte ng mga Marcos sa Norte, ang Leyte naman anya ang kanilang teritoryo sa Visayas.

Katunayan nito ang nakuhang 641,065 boto ni Pangulong Bongbong sa nagdaang 2022 national elections kung saan tinambakan nito ang pinakamalapit na karibal na nakakuha lamang ng 99,207 boto.

About The Author