Umalma si Senador Imee Marcos sa pagtukoy sa kanya ni Senate President Juan Miguel ‘’Migz’’ Zubiri na dahilan ng delay sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa gitna ito ng mga usapin ng umano’y posibleng pagpapatalsik kay Zubiri bilang SP.
Ipinaliwanag ni Marcos na bago pa man i-transmit ng Office of the President ang RCEP ratification package sa Senado noong November 29, nakapagsagawa na siya ng public consultation noong September upang himukin ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at Bureau of Customs na sagutin ang mga hinaing ng agriculture at MSME sectors.
Ini-refer anya sa kanyang kumite ang ratification package noong December 6, 2022 at December 12, itinakda niya ang unang formal hearing.
Gayunman, hindi nakipagtulungan ang mga ipinatatawag niyang ahensya ng gobyerno.
Dahil dito hiniling niya ang tulong ni Zubiri upang papasagutin ang mga government agency subalit hindi siya natugunan.
Dahil dito agad niyang ipinaalam sa liderato ng Senado na hindi niya maiisponsoran ang panukala nang walang sapat na proteksyon sa mga magsasaka at mga MSME gayundin ang paglalatag ng mga hakbangin laban sa smuggling.
Iginiit ni Marcos na ang pagpapalit sa Executive Secretary ang posibleng dahilan ng late transmittal ng RCEP at hindi dapat sya ang sisihing cause of delay sa ratipikasyon nito.