dzme1530.ph

LIZA SOBERANO AT H.E.R., NAG-HOST NG FILIPINO FIESTA DINNER PARA SA “FORGOTTEN ISLAND” SA NEW YORK

Loading

Dinala nina Liza Soberano at H.E.R. ang diwa ng Filipino fiesta sa Big Apple.

Nakipag-collab ang “Forgotten Island” stars sa Gold House para mag-host ng Filipino-themed dinner na naglalarawan sa fiesta celebration sa New York City.

Sa hapunan na inihanda ng New York-based Filipino restaurant na Kalye, kabilang sa mga inihanda ang street food platter ng fish balls, hot dogs, lumpia, at kikiam, pati na pancit bilao, lechon paksiw, buko pandan, at marami pang iba.

Bukod sa mga pagkain, Pinoy na Pinoy din ang table setup dahil sa mga nakalatag na dahon ng saging na nagsilbing placemats at plate liners.

Ang “Forgotten Island” ay kwento ng dalawang childhood best friends na sina Raissa at Jo habang hinahanap ang daan pauwi matapos mapadpad sa isang misteryosong isla.

About The Author