dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, umaasa sa patas na paggulong ng hustisya para kay Percy Lapid

Umaasa si Senador Risa Hontiveros na magiging patas at mabilis ang paggulong ng hustisya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ay makaraang sampahan na ng kaso ng Department of Justice (DOJ) si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gerald Bantag at iba pang umano ay kasama nito.

Sabi ni Hontiveros, mahalagang hakbang ito tungo sa pagkamit ng hustisya para sa pamilya ng pinaslang na broadcaster at sa pagtataguyod ng tunay na kalayaan sa pamamahayag at pagwawakas ng kultura ng pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan.

Aminado pa ang senadora na nakakaalarma at nagdudulot ng pagkabalisa sa publiko ang dumaraming pagkakasangkot ng state actors o mga pulis at militar sa mga kaso ng  pagpatay kaya magsilbi na sana itong babala na kahit mga uniformed personnel makaliligtas sa pananagutan sa batas.

About The Author