dzme1530.ph

Sen. Dela Rosa, heartbroken sa pagkamatay ng pilotong naghatid sa kanya sa Baguio City

Loading

Aminado si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na heartbroken siya matapos malaman na bumagsak ang sinakyan niyang chopper papuntang Baguio at namatay pa ang piloto nito.

Sa impormasyon, bago bumagsak ang light helicopter lulan ng pilotong si Julia Flori Monzon Po, inihatid nito si dela Rosa sa Baguio City kasama ang dalawang security nito.

Sinabi ni dela Rosa na una siyang sinundo sa Imus, Cavite kung saan wala naman siyang napansing kakaiba sa helicopter dahil smooth naman aniya ang kanilang lipad.

Blangko rin ang senador sa sinasabing hard starting ng helicopter dahil nang sunduin aniya siya sa Imus ay hindi naman na pinatay ang makina at agad na rin silang lumipad patungong Baguio.

Sinabi ni dela Rosa na masakit sa kanyang kalooban ang nangyari dahil kaibigan niya ang ama ng nasawing piloto.

Inamin din ni dela Rosa na maging sa kanyang unang pangangampanya ay lagi na niyang nasasakyan ang mga helicopter ng Lion Air at wala siyang naranasang problema.

About The Author