dzme1530.ph

Sen. Binay, nabigla sa dahilan ng artista bloc sa pagsuporta sa pagpapatalsik kay Sen. Zubiri

Labis na ikinagulat ni Sen. Nancy Binay ang inilabas na dahilan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpapatalsik kay Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.

Una nang binigyang-diin ni dela Rosa na bahagi ng pagpayag ng artista bloc na palitan si Zubiri ang naging usapin noon sa virtual attendance ni Sen. Ramon Revilla Jr. sa sesyon habang ito ay nagpapagaling ng kanyang opera sa achilles tendon.

Sinabi ni Binay na medyo weird isipin na sa dinami-rami ng conspiracy theories na nagsilabasan sa likod ng Senate coup, isang paa lang pala ang dahilan kung bakit nasipa at natanggal sa pwesto si Sen. Zubiri.

Ito anya ang kauna-unahang pangyayari sa pulitika ng Pilipinas na ang isang paa na injured pa ay may mas malakas na kicking power kumpara sa iba pang kapangyarihang meron ang iba.

Tiniyak naman ni Binay na ang Solid 7 bloc ay magpapatuloy sa pagbabantay at magsisilbing fiscalizers sa 19th Congress.

About The Author