dzme1530.ph

Sen. Bato, sinisisi ang mga kritiko ni Digong kaya muling lumaganap ang krimen

Sinisisi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya kaliwa’t kanan ang krimen sa bansa. 

Sa panayam ng DZME1530, naniniwala si Dela Rosa, na dahil ito sa pag-file ng reklamo ng mga kritiko ni Duterte sa International Crimininal Court (ICC) kung kaya limitado ang mga otoridad sa pagkilos. 

Dagdag pa ni Bato, natatakot ang mga otoridad ngayon dahil maaring magaya sila kay Duterte na hinahabol ng ICC kaya parelax relax ngayon ang mga pulis lalo na sa droga. 

About The Author