![]()
Mahalagang mapangalagaan ang seguridad ni dating Cong. Zaldy Co at matiyak na agad na siyang maibabalik sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ng dating Integrated Bar of the Philippines o IBP National President at constitutional law expert na si Atty. Domingo Cayosa sa panayam ng DZME Radyo TV.
Sinabi ni Cayosa na si Co ang sinasabing nasa gitna ng mga alegasyon ng anomaliya sa flood control projects kaya’t dapat matiyak na makapagbibigay na ito ng salaysay.
Naniniwala rin si Cayosa na hindi kukupkupin ng Portugal si Co kahit na sinasabing mayroon itong pinoprosesong investment visa sa kanilang bansa.
